- alpombra -
.... dahil hindi lahat ng tsinelas ay nasa bahay lang. yung iba, naglalakwatsa.
Wednesday, March 12, 2014
Tuesday, February 25, 2014
Monday, February 24, 2014
Friday, January 17, 2014
- SITAW -
- SITAW -
"kuya, anong scientific name ng sitaw?" biglang tanong ng isang bata sa akin habang minamasdan ko ang asul na dagat. di ko alam kung bakit sa dinamidami pa ng pwedeng itanong e yun pa ang tinanong ng di ko kilalang bata na yun. kaya imbis na marelaks ako sa aking pamamasyal sa dagat, na-stress tuloy ako dahil di ko masagot ang tanong at wala man lang internet connection sa lugar na iyon para maitanong ko rin sana kay pareng google. ayun tuloy, baka dumaan na pala sa harap ko ang tunay na pag-ibig, di ko man lang napansin dahil sa kaiisip sa sagot sa tanong na yun.... pambihira.

Dipaculao Beach, Aurora Province |
Thursday, October 24, 2013
- KANDUNGAN -
ilang gabi nakong ngarag kung kaya't umupo ako sa pinakadulong bahagi ng bus para makatulog ng maayos at hindi naiistorbo kapag may pasaherong dadaan upang bumaba o kaya e sumakay. kaso, yung katabi kong lalaki na tulog e napapasandal sa balikat ko yung ulo nya. adik talaga oo.. parang kinikilig pa nga yung matandang kahanay ng upuan namin dahil nakita nya ang kalunos-lunos na hitsura ko habang sarap na sarap sa paghilik yung lalaking yun sa balikat ko. parang "my husbands lover" na bus edition ang hitsura namin... unti-unti akong natunaw sa kahihiyan dahil doon.
pambihira talaga, parang gusto kong hamunin ulit ng suntukan si Iron Man. di tuloy ako nakapagpahinga sa byahe kong yun kung kaya't mukha akong adik kinabukasan. buti sana kung si Jessie Mendiola ang nakatabi kong yun at ok lang kahit gawin nyang unan ang balikat ko.. may kasama pang yakap. bwahahahahhahahaha
Sta. Fe, Philex Mines, Benguet |
Thursday, October 10, 2013
- ANINO -
Bigla-bigla na lang na naamoy ko ang nakakatindig balahibong halimuyak ng dama de noche sa gabing malamig. Napansin ko, magisa ko na lang palang binabagtas ang kahabaan ng South Drive habang may manipis na ulap na bumabalot sa kapaligiran. Walang buwan at ang tanging tanglaw sa dinaraanan ay ang aandap-andap na ilaw ng aking motor.
Nang biglang may umalulong na aso at naalala ko, sa lugar na ito mismo madaming namatay dahil sa lindol maraming taon na ang nakalilipas. At matapos ang ilang sandali, may nakita akong limang anino sa may di kalayuan. Sa likod nila ay parang hugis nitsong bagay na di ko mawari kung ano ba talaga dahil nababalot ng ulap. Kinabahan ako at unti-unting namuo ang mga mumunting pawis sa aking noo. Nang may biglang sumipol sa akin. Napatigil ako. Kinilabutan. At lumapit ang isa sa mga anino:
"Boss, comelec checkpoint lang po, pakilabas ang lisensya at o.r./c.r. ng motor nyo. salamat po. "
...... Pambihira, muntik nakong maihi sa salawal ko dahil sa kaba. hmppfffff.....

Wednesday, September 4, 2013
- PAGMAMAHAL -
presyo ng bilihin ang naging almusal ko ngayon…"nagtaas na ang presyo ng groceries. 22 na yang kape, hindi nako
nakabili ng gatas dahil kulang ang budget…", hinaing ni nanay habang
hinihiwa ang mga nabiling sibuyas sa palengke. hihirit pa sana ako ng
pangalawa sa aking kinakain pero mukhang nadaig ng maamong hinaing ni
nanay ang halimaw na gutom ko. napatigil ako saglit sa paghigop ng
kape.”… yung gasul, magiging isang libo na”, maluha-luhang pahabol ni
nanay na parang nagmamakaawang dinadasalan yung mga sibuyas. nawalan
agad ako ng gana sa almusal. ilang araw na bang hindi ako nakakakain ng
matino? kelan ba talaga bababa ang presyo ng galunggong? kung talagang
totoo ang sinabi ni lola kahapon sa loob ng jeep na “pinagpapala ang mga
nagtitiis”, hanggang kelan ba tayo magtitiis para pagpalain? kung sa
simpleng “bawal tumawid” na patakaran sa harap ng mcdo sa session road e
hindi natin masunod, may karapatan ba tayong magreklamo kung bakit
hanggang ngayon e naghihirap pa rin tayo? kailangan ba talagang “i’d
rather walk than pay” na lang lagi? kelan tayo “matututong gumamit ng
elebeytor”? at bakit kailangang pumunta sa dswd ni lola? hayz, di pa
talaga ako nakaka-recover sa kyut na lolang un…
.
.. hindi pa ako nakakaupo ng matino sa hapag kainan para mananghalian nang yung tatay ko naman ang biglang sumabad ng “habang tumataas ang kita mo, lalo rin namang nadadagdagan ang buwis na binabayaran mo! pati gasolina magmamahal na!” sabay higop sa mainit na sabaw. nagpanting ang tenga ko, naisip kong hindi nanaman ako makakakain ng matino. pasaway na gobyerno yan, hindi ba nila alam na may isang nilalang sa mundo na nasisira ang gana kumain ng almusal at tanghalian, at may isang lolang nagtatyagang maglakad kesa magbayad ng pamasahe dahil sa pahirap na presyo ng bilihin, mahal na pamasahe at taas ng buwis?
.
.
… kakainin ko na sana ang cheeseburger na meryenda ko sa hapong ito nang biglang nasambit ng mga katrabaho ko sa opisina ang mga katagang: “naku sir vic, ngaun pa lang habang wala ka pang asawa e magipon ka na.mahal ang gatas, mahal ang diaper, mahal ang checkup,at mahal ang pagpapaospital. halos lahat na lang binibili mo.” hay naku, akala ko tapos ko nang ulamin sa tanghalian ang ganitong usapan pero di ko akalaing ito pa rin ang aking memeryendahin ngayon. Labas nga muna ako mamaya at nang makabili ng kape at baka ilang oras mula ngayon e biglang lalong magmahal ang mahal na presyo ng kape..
.
.
halos lahat na nga nagmamahal na, pati araw nga e malapit na ring magmahal. apektado ng pagmamahal na yan ang almusal ko.. ang tanghalian ko, ang meryenda ko, at sigurado akong apektado ang hapunan ko mamaya dahil sa pagmamahal na yan.

Tanay, Rizal |
Subscribe to:
Posts (Atom)