Sa kaiisip ko sayo, kutsilyo ang muntik ko nang ipinansepilyo kanina. Ilang linggo nang lagi kang laman ng isip ko. Masyado na yata akong nabighani sa mga titig mo. Sa mga mata kasi ako unang naaakit, at yun ang nadale mo. Napapangiti ako magisa pag naaalala ko ang mga titig na yan. At yun nga, dahil sa nawawala ako sa sarili pag ikaw ang laman ng utak ko, di ko namalayan kanina na nilalagyan ko na ng toothpaste yung kutsilyong ipinanghiwa ko ng manga. Isusubo ko na sana e, buti na lang naalimpungatan ako at bumalik ang diwa ko. Konti na lang talaga, magiging parang tinadtad na karne ang bibig ko kung nagkaganon.
Andaya mo. Nararanasan mo rin ba ang ganito sa tuwing naaalala mo ako? Napagkakamalan mo rin bang straw yung tinidor minsan kapag umiinom ka ng softdrink sa loob ng Jollibee? O kaya yung mapapaluha ka na lang sa sakit dahil bigla mong ininom ung napakainit na kape dahil nga wala ka sa sarili? O yung akala mo e cellphone pero magtataka ka na lang na bareta pala ng sabon ang hawak mo nung magtetext ka na sana?
Nakakamatay nga talaga ang tunay na pagibig minsan, pero madalas nakakawala ng katinuan.
Makapagkape na nga lang muna.
|
Marcos Highway, Pugo, La Union |
No comments:
Post a Comment