Kinapa ko ang bulsa ko. Nalukot na beinte pesos na lang pala ang natitirang kayamanan ko pero ayos lang dahil sahod naman bukas. Handa kong ipambili ng lugaw tong natitirang pera ko makilala lang ang tinderang iyon. Naisip ko ulit na baka dahil sa lugaw lang e matagpuan ko na ang tunay na pagibig. Lumapit ako at bumili. Wala siyang kaimik-imik na iniabot sakin ang inorder ko. Nahawakan ko pa nga ang kamay nya nung iniabot nya sakin ung isang mangkok ng lugaw. Naisip kong lagyan ng kalamansi ung lugaw para mas lalong sumarap kaya kumuha ako dun sa lalagyan nya.
Kasalukuyang nilalagyan ko ng kalamansi yung pagkain ko nang magsilabasan yung iba kong katrabaho. Parang gumuho ang mundo ko nang masaksihan ko ang mga sumunod na nangyari:
Bading na kaopisina ko: " hoy bakla, bakit ngayon ka lang dumating?"
Tindera: "ahahayyy nako girl, late nako nakaborlog, kaya late na rin ang cookie monster..."
Kaopisina ko: "echosera ka, paorder ng isa. jutomis na aketch "
Tindera: "uhmm eto girl. akina ang payola mo, baka magfly ka nanaman makalimutan mo .... "
!
..... hindi ko na napakinggan ang mga sumunod na usapan nila. Nanlamig ang paligid ko at di ko namamalayan na sobra-sobrang dami na ng kalamansi ang nailagay ko sa pagkain ko. Pambihira naman o, di ako makapaniwalang nadale ako ng isang yun, mangiyak-ngiyak tuloy akong inubos ang sobrang asim na lugaw na yun. Nanghinayang pako dun sa beinte pesos ko... kung ipinangkape ko nalang sana, hindi na sana sumama ang loob ko.
Ilang araw nang binibiro ako ng tadhana ah. Pero ok lang naman ako eh, ok lang.
Dave's Place - Joyville Children's Home, Tanay, Rizal |
No comments:
Post a Comment