Ambongdolan, Tublay, Benguet |
Thursday, May 16, 2013
- BOTIKA -
bihira ako magtanong ng direksyon sa tuwing bumibyahe ako. pero dahil mapaglaro ang tadhana minsan, wala na akong magawa at kailangan ko na talagang magtanong o kung hindi e mapipilitan na akong baligtarin ang suot kong damit. tumigil ako sa tapat ng isang botika at akalain mo nga naman, isang napakagandang binibini ang dumaan at sa kanya ako nagpatulong. natulala ako sa kanyang angking kagandahan at unti-unting tumitigil ang mundo ko habang itinuturo nya ang daan patungo sa lugar na aking pupuntahan. di ko na inintindi ang kanyang sinasabi dahil sa mga titig pa lang nya, nawawala na ako sa sarili. lalo pa akong nabighani habang inililipad ng hangin ang kanyang buhok at dinagdagan pa ng mga nahuhulog na mga dahon ng sampalok at santol sa paligid naming dalawa. parang teleserye ng totoong buhay. nais ko rin sanang tanungin kung saan ang direksyon patungo sa kanyang puso at ilang kanto ba ang kailangang lagpasan para mahanap ang tunay na pagibig, subalit buti na lang at bumalik ang sarili kong katinuan.... at isa pa, naunahan na ako ng hiya. wala na akong nagawa, nagpasalamat na lang ako at nagpaalam. parang gusto ko na rin tuloy magtanong sa botika kung may itinitinda silang murang gamot para sa naunsyaming pagmamahal...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment