Star City, Manila |
Thursday, May 16, 2013
- ESPASOL -
"anong ginagawa mo kuya?" tanong ng isang matabang bata na nagmumukha nang espasol dahil sa dami ng pulbos na inilagay sa buong mukha. halatang bagong paligo. pero dahil sa kakulitan e nangangamoy imburnal na. "nagtatanim ako ng bulaklak para gumanda tong lugar natin", sagot ko. at sumandali kong iniwan ang aking mga pananim para sumalok ng tubig pandilig. subalit parang gumuho ang aking mundo pagbalik ko: binunot ng batang espasol ang mga itinanim ko at itinapon na lang sa kung saan saan.... gusto kong ipaghiganti ang mga pananim ko subalit wala na akong magagawa. ang mga magulang ng batang yaon ang nagpapasahod sakin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment