Wednesday, May 15, 2013

- PESTE -

May nakita akong lamok na lumilipad sa ilalim ng upuan ng dyip. Sa wari ko’y kagagaling lamang ng dyip na ito sa garahe at diretso pasada agad kung kaya’t nagising na lamang ang lamok na iyon na umaandar ang paligid. Di gaanong makalipad ang lamok, parang may hangover pa… nasobrahan siguro ng kasisipsip ng dugo kagabi.

Naisip ko, kung mabura ang lamok sa mundo…… maraming tao siguro ang apektado. Bakit? dahil malulugi ang kumpanya na gumagawa ng Baygon at Off Lotion… ibig sabihin, madaming mawawalan ng trabaho, may mga kumpanyang magsasara….. at madaming pamilya ang magugutom…..

Pulgas, langaw, ipis, langgam… surot….. napakatalino nung taong nakaisip na sila ay pagkakitaan… ang peste sa mga mata ng karamihan ay kayamanan sa bulsa ng ilan…. at kung sakaling mawala sa mundo ang mga pesteng ito, buong mundo ang apektado; masisira ang balance ng ecosystem…. at ng economics….

Isang babae bumili ng asukal. Inabot ng tindera, pero sabi ng babae. . .
"Miss, asin tong binigay mo sa akin."
Tindera: Hindi, asukal yan Minarkahan lang namin ng "Asin" para hindi langgamin.


Bengaongao Caves, Tublay, Benguet

No comments:

Post a Comment