Saturday, May 18, 2013

- DISGRASYA -

o binibining ubod ng ganda, sa aking dinaraana'y huwag tatawid bigla.
pagtitig mo sa akin, ako'y natulala
habang nagmomotor, ang napala ko'y disgrasya....

nang makita mo ako, ika'y napangiti
nilapitan mo ako, sinabi mong "i'm sorry"
ang sabi ko naman, "ok lang, kalimutan na ang nangyari"
saka tunulungan mo akong itayo ang sarili
o butihing langit, puso ko'y tumibok muli.

tuhod man ay may gasgas, ngunit ang saya ko ay wagas
sana ay ikaw na nga, ang sa aki'y itinadhana
kung sa araw-araw, makikita ko'y gaya mo kaganda
masarap pala ang mabuhay, kahit nadidisgrasya

mamayang gabi sa aking pag-uwi, nais ko sana'y makita kang muli
ang masilayan ka'y para nakong wagi, at parang tumitigil ang bawat sandali
kapag nakikita ka'y namumula ang aking pisngi, at matutulog akong may ngiti sa aking labi..

Mt. Cabuyao, Tuba, Benguet

No comments:

Post a Comment