ok na sana ang lahat... unti-unti na akong nakakabangon sa mapait na nakaraan. subalit mapagbiro ang tadhana; kung bakit ba naman kasi doon pako dumaan sa mga oras na iyon. ayan tuloy, nagkrus nanaman ang landas natin....... maganda ka pa rin. nandoon pa rin ang ningning sa ating mga mata. sumaglit na tumigil ang pag-inog ng mundo sa ating dalawa. naitanong ko tuloy sa sarili ko: "ito ba ang tunay na pagibig?". pero hindi e... hindi na pwede. may kanya-kanya na tayong mundo....at di ko namamalayan, nakatigil na pala ako sa gitna ng daan at binubusinahan na ako ng mga jeep ng trancoville. buti na lang nahimasmasan ako at nagpaalam sa iyo...
.. pambihira, para na tuloy gusto ko na ulit pumunta sa botika upang makabili ng gamot para sa naunsyaming pag-ibig....... makapag-kape na nga lang.
San Fabian, Pangasinan |
No comments:
Post a Comment