- GUSTO KITANG MAKASAMANG MAGLAKAD HABANG UMUULAN -
- isang payong lang ang dadalhin natin, mas maganda kasi pag share tayo. pero sayo pa rin yung mas malaking bahagi ng payong para di ka gaanong mabasa.
- pag lumakas ang ulan, ibibigay ko sayo ang jacket ko para di ka ginawin
- sabay tayong magtatampisaw sa ilalim ng ulan
- tapos, pupunta tayo sa paborito nating kainan. magoorder tayo ng mainit na arroz caldo. kaso biglang nagbago ang isip mo, sopas na lang ang inorder mo. ang problema e nakaorder na tayo ng arroz caldo, ayan tuloy, kawawa akong uubos nito.
- tapos pipicturan mo pa ung mga pagkain natin bago tayo kumain. mas madami pang litrato kesa sakin yung arroz caldo sa phone mo, nagseselos na tuloy ako.
- tapos ihahatid kita sa bahay nyo. suotsuot mo pa rin yung jacket ko. ang problema nga lang, nakalimutan mong ibalik sakin kaya ayun, para akong basang sisiw na umuwi sa amin.
- gusto kong ulitin ang ganito, dahil masaya tayo kahit na ubo't sipon ang inabot ko.
|
Aliw Theater, Manila |
No comments:
Post a Comment