km4, la trinidad, benguet: isang jeep ang tumirik sa gitna ng kalsada, dahilan upang bumaba ang driver nito at umpisahang itulak ang naghihingalong makina. di ko alam kung sinong anghel ang sumanib sakin at saglit kong ipinarada ang motor ko at tumulong sa pagtutulak. ayos na sana e, kaso biglang sumakay sa jeep si mamang driver. oo, naintindihan ko dahil kailangan nya tapakan yung clutch para maikadyot yung jeep. ang di ko lang maintindihan e sumakay din yung mga pasaherong kanikanina lang e kasama kong nagtutulak. ayun tuloy, mag-isa kong itinulak yung jeep. moral support na lang si mamang driver at yung tatlong pasahero (buti na lang tatlo lang sila). astig sana e, nakahelmet at nakashades pako habang pawisang itinutulak yung jeep. nakatingin lang sakin yung mga tao sa paligid ko. naisip ko tuloy na baka nasa wow mali na ako. pero hindi. mangiyak-ngiyak nako sa kakatulak pero ayaw pa rin umandar ng jeep. kulang kasi sa bilis ung pagkakatulak ko. mabuti na lang at may mamang naawa sakin at sinamahan ako sa pagtutulak. at hayun, umandar din sa wakas ang kawawang jeep....
.... pambihira. isa pa ngang kape.
|
Bonifacio Global City, Taguig |
No comments:
Post a Comment