"Kuya, may bakante pa ho ba?" tanong ng isang magandang babae sakin habang nagpapahangin ako sa labas ng opisina. Akala ko e ang puso ko ang tinutukoy ng tanong nya kaso iba pala. Sayang, sasagutin ko sana siya agad ng "Oo miss. Matagal nang bakante ang puso ko, baka gusto mong mag-apply" kaso e inunahan nako ng hiya. Napatingin na lang ako sa kanya ng medyo may katagalan bago ako nakasagot. "Pasensya na miss, pero wala pa. Hintayin mo na lang ulit magpa-advetise kami sa dyaryo.", medyo nahihyang sagot ko. Pagkatapos non, tuluyan na siyang nawala sa aking paningin.... at bumuhos ang napakalakas na ulan.
Hayyzz... naku naman. Buti na lang may nagbigay ng kape.
|
Seapark Beach, San Fernando, La Union |
No comments:
Post a Comment